Panibagong liderato ng SSG 2026–2027, opisyal nang iprinoklama ng COMELEC
Ni Julia Santos
Septyembre 19, 2026
2-min read
Iniwasto ni Nicole Magaru
Panibagong liderato ng SSG 2026–2027, opisyal nang iprinoklama ng COMELEC
Ni Julia Santos
Septyembre 19, 2026
2-min read
Iniwasto ni Nicole Magaru
Dibuho ni John Daniel Agustin
LUNGSOD NG MALOLOS | Idineklara ng Commission on Elections (COMELEC) ang resulta ng halalan para sa taong panuruan 2026–2027, kung saan pormal na iprinoklama ang mga bagong opisyal ng pamahalaang pangmag-aaral o supreme student government (SSG), nitong Huwebes, Setyembre 17.
Itinanghal na pangulo ng konseho si Yuan Isaac S. Balagtas matapos makakuha ng 554 na boto, kasama si Kem Thomas C. Ladia na uupo bilang bise presidente matapos makalikom ng 393 boto.
Markado ang nagdaang halalan sa muling pagtakbo ng dalawang partidong politikal, matapos ang dalawang magkasunod na taong panuruan, T.P. 2024–2025 hanggang T.P. 2025–2026, kung saan iisang partido lamang at malalayang kandidato ang lumahok.
Pangungunahan din ang bagong komite nina Reona DJ. Tabuchi bilang secretary (425 boto), Ariana Mae L. Montevirgen bilang treasurer (389 na boto), Leeron Jacob V. Lorenzo bilang auditor (471 boto), Naomi Joyce P. Neri bilang public informations officer (483 boto), at Qhandice Zara G. Usman bilang peace officer (403 boto).
Pormal ding iprinoklama ang mga kandidatong walang katunggali kaya kinakailangang makakuha ng 50% + 1 ng populasyon ng mga botante upang opisyal na mahalal sa puwesto.
Kabilang sa mga matagumpay na nakalikom ng kinakailangang porsyento ng boto sina Akio Caleb Sabiniano bilang bise presidente ng junior high school (258 boto), Sophia Kristina G. Yuda bilang assistant secretary (612 boto), Trixy Niella G. Padilla bilang assistant treasurer (568 boto), Yuri Catacutan bilang assistant auditor (554 na boto), at Hailey Niecole C. Cruz bilang assistant public informations officer (538 boto).
Inihayag din bilang mga opisyal na kinatawan ng kani-kanilang baitang sina Victoria Shannon E. Diaz (Baitang 12, 175 boto), Jhodie Faith R. Salonga (Baitang 11, 151 boto), Neslie Kassandra L. Fegi (Baitang 10, 59 na boto), Crizzy Paige R. Santiago (Baitang 9, 85 boto), Cellowie O. Pagdanganan (Baitang 8, 96 na boto), at Nathalie Kaye L. Fegi (Baitang 7, 67 boto).
Sa kabilang banda, hindi pormal na nahalal bilang kinatawan ng Baitang 11 si Lanz Geoffrey L. Corpuz matapos makakuha ng 129 na boto, na hindi umabot sa kinakailangang 50% + 1 ng populasyon ng mga botante.
Bago ang mismong bilangan, idinaos ang pagboto sa kani-kanilang silid-aralan noong Setyembre 17, ganap na 10:00 ng umaga, sa pamamahala ng mga kinatawan ng COMELEC.
Nagsimula ang opisyal na pagbibilang at balidasyon ng mga boto ganap na 1:00 ng hapon sa Building I (Silid 104 at 105) at Building II (Audio-Visual Room), sa pangangasiwa ng tagapayo ng SSG na si G. Christian Joseph A. Esguerra, kasama ang COMELEC.
Ayon sa probisyon ng Standard Election Code, itinuturing na balido ang lahat ng balota kung walang inihayag na pormal na reklamo sa tagapangulo ng COMELEC bago ang opisyal na pagbabasa ng mga resulta.