Literary
The Holiday Anthology: Sa Disyembre Magtatago
By Xia Ballesteros
Disyembre 24, 2025
1-min read
Iniwasto ni Tyra Lucero
Literary
The Holiday Anthology: Sa Disyembre Magtatago
By Xia Ballesteros
Disyembre 24, 2025
1-min read
Iniwasto ni Tyra Lucero
Sa Disyembre ako’y mawawala.
Na para bang ako’y isang bula.
Na lumulutang papuntang taas.
Sa inyong bintana tatakas.
Tulungan mo akong magkunwari.
Na ako’y inutusan lang sandali,
Doon sa kabilang talipapa,
sabihin niyo, doon ako bumaba.
Nandyan na ang mga Chukoy at Chuchay.
Bless nang bless, ‘di nangangalay ang kamay.
“Ninong, Ninang mano po” paulit-ulit.
Malaking ngiti, pitaka ang target.
Kada Pasko, sila’y naka-abang.
Pag ika’y nasilayan, malamang sa malamang.
Hindi sa tao, kundi sa bulsa.
Pamasahe lang ang ititira.